Araling Panlipunan


Araling Panlipunan-Ito ay tungkol sa nakaraan ng pilipinas, kagaya ng KKK.

Ang Kinalalagyan at Teritoryo ng Pilipinas

*Eskala- Ang tawag sa paraan ng pagpapakita ng tunay na sukat ng mga lugar sa mapa na tinutumbasan ng mas maliit na sukat.

*Globo-Ang globo ay ang replika ng mundo.

-Ang Mapa at Globo ay may pahalang at patayong guhit. May mga pananda at simbolo rin ito. Likhang-isip ang mga ito. Ang mga guhit at pananda o simbolo nito ay may kahulugan. Mahalaga ang mga guhit na ito sa pagtukoy ng tiyak na kinalalagyan ng bawat lugar. Ang malalapit na lugar dito ay nakakatulong din para maihambing ito sa mga iba pang lugar ayon sa laki, hugis,at sukat.

 -Sa gitna ng isang globo ay may pahalang na guhit. Ito ang naghahati sa globo sa dalawang magkasinlaking baahagi: Hilaga at Timog. Hatingglobo ang tawag sa bawat bahagi. Ang bahaging nasa gawing itaas ng globo ay tinatawag na Hilagang Hatingglobo (Northern Hemisphere). Ang bahaging nasa gawing ibaba ng globo ay tinatawag na Timog Hatingglobo (Southern Hemisphere).

-May mga guhit na pahalang din sa globo, ang mga ito ay tinatawag na Parallel o Latitud. Umiikot ang mga guhit na ito hanggang 90 degrees pataas o pababa mula sa ekwador.

 -Nasa 0 degrees ang ekwador. Magkatulad ang sukat ng distansya ng mga parallel na guhit mula sa ekwador patungong Polong Hilaga at mula sa ekwador hanggang sa Polong Timog.

-Bukod sa ekwador, may iba pang itinuturing na espesyal na guhit latitud. Ang mga ito ay ang Tropiko ng Kanser, Kabilugang Artiko, Tropiko ng Kaprikornyo at ang Kabilugang Antartiko.


  • Tropic of Cancer- Nasa 23.5 degrees H mula sa ekwador ang espesyal na guhit na ito.
  • Artic Circle- Parallel na guhit naman ito na nasa 66.5 degrees  hilaga.
  • Tropic of Capricorn- Nasa 23.5 degrees T ito.
  • Antartic Circle- Nasa 66.5 degrees T ang parallel na guhit na ito.

- Gumawa rin ang mga heograpo ng mga guhit na patayo na nagmumula sa Polong Hilaga hanggang sa Polong Timog. Tinatawag ang mga guhit na ito na mga Meridian o Longhitud.

 -Sinusukat ang Longhitud sa pamamagitan ng digri. Ang Prime Meridian ay nasa 0 digri. Ang mga Longhitud ay tumutukoy kung nasa bahaging silangan o kanluran ang isang lugar. Ang mga lugar na nasa gawing kaliwa ng Prime Meridian hanggang 180 degrees ay sinasabing nasa kanluran. At ang mga nasa kanan ng Prime Meridian hanggang 180 degrees ay nasa silangan naman.

-Hanapin mo sa globo kung saan nagsasalubong ang guhit latitud at guhit longhitud. Ang pinagsama-samang guhit na ito ay bumubuo ng Grid. Malaking tulong ito sa paghahanap ng tiyak na lokasyon ng bawat lugar sa mundo.



Reference: Araling Panlipunan-



Comments

Popular Posts